Pasayahan sa Lucena 2017
Magtatampok ang Lungsod ng Lucena ng mga natatanging talento ng mga Lucenahin na itatampok sa Pasayahan sa Lucena 2017. Ayon kay Kagawad. Pido Marquez ng Barangay 8, siya ring pinuno ng komitiba, ang mga mapipili sa patimpalak ay susuportahan naman ng pamahalaang panglungsod ng Lucena kung naisin ng mga itong sumali sa mga pa-contest sa nasyunal na lebel. Nais raw kasi ni Mayor Dondon Alcala na i-showcase ang galing ng mga Lucenahin oras na magkaroon ng pagkakataon. Ayon pa din kay Kag. Marquez, kahit anong talento ng gustong ipakita ng isang indibidwal o grupo ng Lucenahin ay titignan ay susuriing mabuti upang makita ang potensyal ng mga ito.
Uumpisahan ang screening ng mga talento ng Lucenahin sa Lucena’s Top Talent sa darating na Mayo 4 ngayong taon sa isang mall sa Lungsod ng Lucena. Ayon kay Kagawad Pido Marquez, pangunahing pangangailangan o requirement ng isang nais sumali ay ipinanganak sa Lungsod ng Lucena. Wala din anyang problema sa edad ayon pa rin kay Marquez dahil mula sanggol hanggang sa pinakamatandang nais magperform at magpakita ng kanilang talento ay welcome sa pag-o-audition. Inihayag naman ni Kag. Marquez ang mga premyo ng mananalo o mapipili sa patimpalak.
Inaasahan ni Kag. Marquez na maraming magpupunta upang ipakita ang kanilang mga talento dahil anya sa mga nakaraang mga contest ng iba’t ibang networks o kumpanya ay ilang mga Lucenahin na rin ang sumubok at nagwagi sa mga patimpalak.