Paskong Atimonanin nagsimula na, iba’t ibang Christmas Display ang matutunghayan
Makulay at nakakamanghang Christmas decorations at fireworks display ang inihandog ng pamahalaang lokal ng Atimonan Quezon sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan para sa mga Atimonanin sa isinagawang Lights On Ceremony sa kanilang munisipalidad na hudyat ng pagsisimula ng makulay, masaya at makabuluhang selebrasyon ng Paskong Atimonanin may temang “Tuloy-tuloy na Magniningning ang Paskong Atimonanin.”
Sa pamamagitan ng Atimonan Tourism Office sa Officer na nasasaksihan sa Atimonan Baypark Garden ang isang Lights Show na ginamitan ng advance technology.
Iba’t ibang makukulay na palamuti ang nagpaliwanag sa paligid at tinunghayan ng marami.
Kasabay nito ay nasaksihan ang pagbubukas ng mga dekorasyon gaya ng GIANT CHRISTMAS TREE sa Main Municipal Building at LITTLE DRUMMER BOY sa Atimonan Health Center and Birthing Home, GIANT GIFTS sa Old Municipal Building at CHRISTMAS TREE AND PAROL MAKING CONTEST DISPLAY sa Tiangge Park.
Ang mga atraksyon na ito ay tunay na magpapakita sa kanilang mga kababayan at tunay na mararamdaman ang manining na kapaskusan sa bayan ng Atimonan.
Gabi-gabing mapapanuod ang Lights Show at Christmas Decorations sa mga nasabing lugar simula 6:00 PM – 9:00 PM maliban na lamang tuwing maulan o mayroong hindi magandang panahon.
Magkakaroon din tuwing Biyernes ng Acoustic Band Performances with Open Stage and Beer Plaza sa Banchetto, Leon Guinto Blvd. simula 7:00PM – 10:00 PM.