News

Paskong Handog Para sa mga Lolo at Lola, ipinamahagi sa Brgy. Barra

Tumanggap ang mga senior citizens ng Paskong Handog mula sa Pamahalaang Pambarangay ng Barangay Barra sa Lungsod ng Lucena.

Isinagawa ang pamamahagi sa Purok 1, Covered Court ng naturang lugar.

Ayon kay Kapitana Amelia Sobreviñas, mahigit 300 mga lolo at lola ang tumanggap ng Paskong Handog sa barangay na nagkakahalaga P500. Bukod pa ito sa ipinagkakaloob ng City Government of Lucena.

Ito raw ay bilang pagpapakita sa mga nakatatandang sektor ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila dahil sa naiambag ng mga ito sa komunidad.

“Sinikap ng Sangguniang Barangay na mabigyan ng kaukulang budget na mapagkalooban ang ating mga senior citizen dito sa Barra upang maipadama namin ang pagmamahal bilang sila ay isang sectoral group sa ating lipunan na pina-priority po ng ating gobyerno at ng ating barangay”, sabi ni Kapitana Amelia Sobreviñas.

Layunin ng naturang ayuda na makapagbigay ng karagdagang tulong sa mga benepisyaryo para sa kanilang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng gamot.

“Kung saan nila gusto although ang barangay naman nag-aallot kami para sa medicine, kung tutuusin priority namin yung maintenance ng mga senior namin yung sa mga highblood, mga diabetic, meron kami non sa barangay ng saganon malesser na rin yung kagastusan sa kanilang maintenance”, pahayag ni Kap. Amelia Sobreviñas.

Ang Paskong Handog daw ay taon-taon nilang isinasagawa para kahit papaano ay makabigay ng tuwa at saya sa mga lolo at lola.

Pin It on Pinterest