Patay ang isang mangingisda sa Sariaya, Quezon habang sugatan ang isa matapos barilin ng bantay dagat
Patay ang isang mangingisda sa Bayan ng Sariaya, Quezon habang sugatan ang isa pa matapos na pagbabarilin sa laot ng mga bantay dagat ng San Jaun Batangas.
Kinilala ang nasawi na si Alvin Protacio 32 anyos.
Batay sa spot report ng Sariaya Police, nangyari ang insidente noong Jan. 18, 2023 mag aals 8:00 ng gabi sa Tayabas Bay sa boundaries ng Brgy. Poctol, San Juan, Batangas at Brgy Manggalang Kiling, Sariaya, Quezon.
Nangingisda umano sa lugar ang mga biktima nang lapitan at sitahin ng mga miyembro ng bantay dagat ng San Juan Batangas na armado ng baril para sa ilang Violation.
Nang subukan umanong umalis ng mga mangingisda sakay ng kanilang bangka, pinagbabaril ang mga ito ng mga bantay dagat habang hinahabol, nang huminto ang bangka ng mga mangingisda matapos mamatay ang makina, nagtalunan ang mga mangingisda sa dagat at naiwan sa bangakang halos lumbog na dahil sa mga tama ng bala si Alvin Protacio na patay na pala matapos magatamo ng tama ng bala sa ulo, sugatan naman ang isang mangingisda na kinilalang si Teddy Lebris matapos naman na magtamo ng bala ng baril sa katawan, ligtas ang 4 pang kasamahang mangingisda na pawang mga residente ng Sitio Aplaya, Brgy Bignay 1, Sariaya, Quezon.
16 na tama ng bala ng baril ang tinamo ng bangka ng mg mangingisda.
Sa pag-iimbistiga ng mga watoridad kilala na ng pulisya ang apat na suspek at pawang mga residente ng Brgy. Poctol San Juan Batangas at kumpirmadong mga bantay dagat ng San Juan Batangas, kasaluyang at large ang mga suspek.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong murder, frustrated murder and multiple attempted murder.