News

Patrol boat ng Bantay Dagat, pinasinayaan sa Perez, Quezon

Pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Perez, Quezon ang kampanya laban sa ilegal na pangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patrol boat sa grupo ng Bantay Dagat sa kanilang bayan.

Pinangunahan nitong Huwebes ni Mayor Charizze Marie Escalona ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng bagong fiberglass at bagong ayos na mga patrol boat.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, department heads ng lokal na pamahalaan at mga kawani.

Ayon sa Perez local government, isa ito sa kanilang prayoridad ang pagkakaroon ng mga bangkang de motor na malaking tulong sa pagpapatrolya ng mga bantay dagat.

Bukod sa anti-illegal fishing campaign, maaari ring ang mga patrol boat sa mga rescue operation at kahandaan sa mga sakuna.

Ang Perez ay isang 5th class at coastal municipality sa lalawigan ng Quezon.

Pin It on Pinterest