News

People`s Park at City Hall pormal na ininagurahan

Binasbasan at ininagurahan na ang bagong gusaling panglunsod sa Tanauan Batangas na nasa Laurel Hills, Brgy. Natatas noong nakaraang linggo. Ang pagbabasbas ay kasabay ng ika-153 taong kapanganakan ni Apolinario Mabini, isa sa ipinagmamalaking bayani ng lungsod ng Tanauan. Ayon kay 3rd District Congressman Ma. Theresa Collantes, ang bagong city hall ang magsisilbing bantayog ng lungsod.

Sa mensahe naman ni G. Feliciano “Toti” Torres na nag-donate ng mahigit tatlong ektaryang lupain na pinagtayuan ng bagong gusali at Peoples Park, nagdesisyon ang kanilang pamilya na sa halip na ibenta sa pamahalaang lungsod ang lupain ay mas magandang ito ay i-donate na lamang upang mas mapalawak pa ang kalunsuran at magbukas ng mas bagong kaunlaran at pag-unlad sa Tanauan, gayundin ang pagbubukas ng isang friendly atmosphere na may pagpapahalaga sa kapaligiran . Pinuri naman ni Asec Jonas George Soriano ng Office of the Cabinet Secretary ang hakbang na ginawa ng pamilya Torres.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Tanauan City Mayor Antonio Halili sa Torres Family dahil binigyang katuparan nito ang hangaring mas mapaganda pa ang lungsod.

Pin It on Pinterest