News

Philippine Development Plan Calabarzon Roadshow gagawin sa Hulyo 28

Naktakdang gawin sa lalawigan ng Batangas ang Philippine Development Plan Calabarzon Roadshow sa darating na July 28 sa provincial capitol compound. Ang programa ay magkatuwang na itataguyod ng National Economic Development Authority (NEDA) Region IV A at ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas. Ang aktibidad ay may layuning maipagbigay alam sa publiko ang mga nilalaman ng development framework ng Duterte administration at maging katuwang ang iba’t-ibang sector pribado man o publiko upang makapagbalangkas ng mga estratehiya tungo sa pagtamasa ng inclusive growth para sa lahat ng Pilipino.

Ilan sa mga programang gagawin ay parade at poster making contest, Serbisyo para kay Juan at Juana na kinabibilangan ng medical at dental missions, job fairs, exhibits ng iba’t-ibang ahensyang nasyunal ng pamahalaan, entertainment at cultural presentations, press conference at symposiums. Nakatakda ding magsagawa ng symbolic turn over ng PDP sa Regional Development Council officials na Chairman si Batangas Governor Hermilando Mandanas.

Pin It on Pinterest