‘Picklers’ ng Tayabas City, magpapasiklaban sa Disyembre
Dahil sa patuloy na pagkahilig ng mga Tayabasin sa larong pickleball at bunga ng matagumpay na Laro’t Saya Pickleball Tournament noong Marso 2024, muling aarangkada ang torneyo.
Sa darating na Disyembre 6, ikakasa ang “Battle of Doubles” sa Piwa’s Sports Center, Lucban, Quezon.
May kategorya para sa mga Tayabasin lamang na ‘novice & intermediate’ at mayroon ding open category na ‘intermediate & advance.’
Magtatagisan ang mga picklers sa women’s, men’s, at mixed doubles. Tatanggap dito ng walong maximum entries per category.
Ang torneyo ay kaugnay ng patulyo na implementasyon ng mga programa ng City Sports Development Section sa ilalim ng Office of the City Mayor.
Bukod sa kompetisyon, magkakaroon din ng refresher course para naman sa mga nais maging bahagi ng officiating team ng pickleball sa lungsod.
Para sa iba pang detalye at katanungan maaaring mag-mensahe kay Sports Development Officer Sarah Zagala Sarah E. Zagala sa numerong 0935-7138-559.

