Pilipinong mayroong dual citizenship maaari nang maging miyembro ng Philhealth
Maaari nang maging miyembro ng Philhealth ang mga Filipino with Dual Citizenship (FDC) o mga Filipino na pinanatili o nakuha muli ang kanilang Filipino citizenship. Sinabi ni Sharyl Ortiz, public information officer ng PhilHealth Region 4A, na kinakailangan lang mag-submit ng PhilHealth Membership Registration Form (PMRF) kalakip ang Certificate of Retention of Philippine Citizenship (CRCP) o Identification Certificate (IC) mula sa Philippine Embassy o Philippine Consulate sa ibang bansa.
Nagkakahalaga ng P3,600 ang kontribusyon ng isang FDC para sa isang taon. Ang mga kwalipikadong makikinabang ay makakagamit ng benepisyo kung nakakatatlong buwan na hulog na sa loob ng anim na buwan bago ang araw ng pagpapa-ospital. Katumbas naman ng halaga ng Philippine peso ang maari ding magamit na benepisyo kapag na-ospital sila sa ibang bansa.