News

Pinakamalaking bahagi ng pondo ng Barangay 8 ngayong 2023, mapupunta sa Infra projects

Nasa mahigit P5.1-M daw ang pondo ngayon ng Pamahalaang Barangay ng Barangay 8 sa Lungsod ng Lucena para sa taong 2023.

Ayon kay Kgwd. Roderick Ariate, chairman ng Committee on Appropriations, ang may pinakamalaking porsiyento raw ng pondo ng kanilang barangay ay infrastructure project na pinondohan ng sangguniang barangay ng nagkakahalaga ng mahigit P400,000.00.

“Yung aming 20% sa infra yun naman ay laging naka ano sa mga drainage sa mga pathways lalo’t higit dito sa may boulevard dyan ang gusto na naming mapaganda kaya naglagay na dyan ng mga CCTV tapos doon sa Purok Tanglaw kumpleto na rin doon eh tsaka”.

Ilan sa mga infra projects na tututukan ay ang pagsasaayos ng mga drainage system, pathways, karagdagang pagpapakabit ng mga CCTV Cameras dahil epektibo itong pamamaraan sa pagtukoy ng anumang kriminalidad na maaaring mangyari sa lugar.

Aniya, sinundan ito ng health services dahil nasa panahon pa rin naman daw ng COVID-19 pandemic upang makatugon sa pangangailangan ng kanilang mga residente sa oras na mangailangan ang mga ito.

“Sa health ay medyo nagdagdag kami eh gawa nga nung pandemic kaya napaglaanan namin ng medyo malaki pa yung sa health gawa ng marami pa kaming binibili nung time na COVID pa eh medyo kasagsag pa ng COVID kaya naglaan pa kami ng malaking pondo don para magamit at kung ano man yung protocols na ibinababa ay makatugon naman po ang barangay”.

Noong 2022 ang pondo ng nasabing barangay ay nasa mahigit P6.6M.

Pin It on Pinterest