Pinakamalaking Evacuation sa Lucena Napagkasunduan Na
Mayroon nang kasunduan sa pagitan ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) at lokal na pamahalaan sa Lungsod ng Lucena upang magpatayo ng evacuation center para sa mga Lucenahin. Ito ang sinabi ni Kon. Jose Christian Ona bilang Committee Chairman ng Urban Planning sa Sangguniang Panlungsod sa exclusive interview ng Bandilyo.ph.
Ito daw ang magiging pinaka malaking evacuation center sa siyudad na magkakaroon ng sukat na 1,837 m2. Dagdag pa ng konsehal, ito daw ay malaking bagay para sa mga Lucenahin, lalo na at pabago-bago ang klima na dinaranas sa kasalukuyan.
“Kumpleto po ito ng ammenities, may emergency parking, sleeping area, first aid station, toilets, laundry area, storage, may reception control din po tayo. Kumpleto po ito, supply storage at dining area.”
Ayon pa kay Konsehal Ona, ang lokal na pamahalaan ang mangangalaga sa operasyon at maintenance ng gagawing proyekto. Dagdag pa ng Chairman ng Committee on Urban Planning, sila ang mag po-provide ng equipment na gagamitin sa loob ng Evacuation Center.