News

PNP Entrance Exam ng NAPOLCOM, nakatakdang isagawa sa buwan ng Abril sa Lucena City

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala mula sa National Police Commission o NAPOLCOM nitong Lunes, February 13 sa regular na flag raising ceremony.

Ito’y bilang pasasalamat matapos na magkasundo ang NAPOLCOM at Lucena LGU para sa gaganaping PNP Entrance Examination and Promotional Examinations sa buwan ng Abril.

Ayon sa NAPOLCOM Regional Director Atty. Leonora Bartolome, ang naturang aktibidad ay para sa mga nangangarap makapasok sa serbisyo at maging sa kawani ng Philippine National Police o PNP.

“Ang napagkasunduan po ng NAPOLCOM at ng LGU po ng Lucena ay gaganapin po natin dito sa Lucena City ngayong April. Ang mag-eexam po dito ay yung mga gustong magPulis na civilian at yung mga Pulis na kaya 2 days activity po ito”.

Nabigyan ng katuparan ang pagsasagawa ng PNP Entrance Exam sa naturang lungsod ngayong taon, sa pamamagitan ng isang kasunduan.

Malaking bagay aniya ito para sa mga nais na mag pulis sa Quezon dahil hindi na nila kinailangan pang gumastos ng malaki at bumiyahe ng malayo, kung dadayo pa ang mga ito sa Calamba, Laguna para lamang makapag exam.

“Normally po ginaganap lamang po ito sa Calamba kasi doon po ang Regional Office ngayon nakidulog po kami sa LGU kung gusto po nila makipag-partnership hindi naman po kami nahirapan”.

Nitong nakaraang 2020 pa sana isasagawa ang nasabing aktibidad ngunit makailang ulit itong nakansela dahil sa pandemya.

Pin It on Pinterest