Pondo ng Lucena tumaas, kahit walang pagtataas ng buwis! – Mayor Alcala
Isa sa mga pinagdiinan ni Mayor Roderick DonDon Alcala sa State of the City Address nito kamakailan ang pagsasaayos ng kaperahan ng siyudad na mula 606M Pesos noong 2012 ay naiangat sa 737M Pesos ng 2014. Isa anya sa malaki ang ambag dito ay ang halos limang libong mga negosyo na nagbabayad ng business tax, mula ng 2012 na may koleksyong 120M Pesos ay naging mahigit 140M Pesos at umangat pa sa halos 190M nitong nakaraang taon. Gayundin, tumaas ani pa ng alkalde ng sa Real Property Tax na 34M noong 2012, 37M noong 2013 at nagging 49M ng 2014. Bunsod anya ito ng pagsasaayos sa mga programa at tamang pagkolekta sa Real Property Tax Ang pangyayari ay sa harap anya ng hindi naman nagtaas ng buwis ang Alcala administration, dagdag pa ng alkalde. S a m a n t a l a , ikinumpara ni Alcala ang interest rate sa usapin ng pagkakautang ng siyudad. Mula anya sa 9 na porsyento noong nakaraang administrasyon ay pinagsikapan niya itong i-renegotiate sa higit na mababang 5 porsyento lamang. Nakatipid daw ito ng humigit kumulang 12 milyong piso na maaaring gamitin o ilaansa ibang proyekto. Sa usapin naman ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP), bagama’t magkakaroon ng mga conversion sa mga lupain na dating agricultural patungong commercial na magpapataas ng buwis nito, mananatiling pareho pa rin ang buwis na babayaran dito hangga’t hindi pa ginagamit sa komersyo ang lupa. NICK PEDRO III