News

Potensyal sa turismo ng Polillo Group of Islands kinumpirma ng NEDA Region 4A

Kinumpirma ng National Economic and Development Authority (NEDA) Region-4A na malaki ang potensyal ng Polillo Group of Islands na kinabibilangan ng mga bayan ng Polillo, Panukulan, Burdeos, Patnanungan at Jomalig na mapaunlad ang industriya ng turismo. Sa isinagawang ‘tourism circuit’ ng NEDA-4A, unang binisita ang bayan ng Burdeos para tingnan ang mga posibleng destinasyon ng mga turista tulad ng Pulong Kukuk, Isla Puting Bato, at Anilon Island.

Ang Pulong Kukuk ay may puting buhangin na mayroong malalaking rock formations na hugis ng isang malaking manok. Ang Isla Puting Bato naman ay mayroon ding magandang rock formations at malinaw na tubig, dito rin matatagpuan ang ibat-ibang uri ng mga ahas. Ang Anilon Island ang itinuturing na Boracay ng Burdeos dahil sa puting buhangin at malinaw na tubig. Makikita din dito mga kuweba ng Anilon at tunnel sa isang rock formation. Dito din matatagpuan ang Bato Beach, Baguitang Island, Minasawa Bird Sanctuary, Pulong Buhangin, Biguitay Island, Ikulong Island, Palasan Island, Kabalwa Island, Calutcot Island, The Pacific in Carlagan at Kabalu Sand Bar.

Isinagawa ng NEDA-4A ang tourism circuit upang alamin ang transport system, communication system, power supply, economic enterprises, employment facilities para sa paghahanda ng POGI Tourism Master Plan.

Pin It on Pinterest