Presyo ng asukal, patuloy ang pagtaas
Pumalo sa 110 pesos ang presyo ngayon ng kada kilo ng asukal na puti sa halos lahat ng pwesto sa Lucena City Public Market.
Sabi ng maninindahan na si Aling Mina malayo ito sa dating presyo noong mga nakaraang buwan na umaabot lamang ng higit 60 pesos per kilo.
‘’dati ay ano lang yan 65-60 ganun ilang buwan na pong mataas,’’ayon kay Aling Mina
Sa mahal ng presyo ng puting asukal ang ilang mamimili hindi na raw muna bumibibili nito sa halip na white sugar, washed sugar na nalamang ang binibili na mahal din ngayon ang presyo at patuloy rin na tumataas.
‘’May bumibili din kaunti nga lang” Anong binibili ngayon? 99 wash 92 ang presyo tumaas din,”dadag ni Aling Mina
Sa tindahan ni Mamang Domeng, hindi na muna sila nagbebenta ng puting asukal, halos wala raw kasing namimili malulugi lang raw sa mahal ng puhunan.
‘’Wala na ang ibang mamimili na gumagamit ng putting asukal ang ginagamit nalang ay wash sugar, kaya hindi na kami nagtitinda,”ayon yan kay Mang Domeng
Halos lahat ng uri ng asukal sa nasabing pamilihan ay sobrang taas na raw ng presyo. Ang brown sugar pumalo na sa 88 pesos per kilo, 90 pesos per kilo naman ang washed sugar, ang puting asukal 110 pesos na per kilo.
Sinabi ng ilang maninindahan sa takbo ng pangyayari, posibleng tumaas pa ito pagsapit ng holiday season.
Target ng Department of Agriculture (DA) na maglabas ng suggested retail price (SRP) ng asukal dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay DA Spokesperson Undersecretary Kristine Evangelista, isasapinal na nila ngayong linggo ang naturang isyu at posibleng maipatupad na ang SRP pagsapit ng Nobyembre.
Para sa ilang consumer kung hindi man mapapaba ang presyo nito, wala raw talagang magagawa kung talagang kailangang gamitin ay kailangan bumili at tanggapanin nalang sitwasyon.
“Ay talagang ganun talagang gagamitin natin yan, kailangang bibili talaga,’’ Ayon kay Shiella na isang mamimili