News

Presyo ng bigas sa Lucena City tumaas ng P2 per kilo

Tumaas ng 2 pesos ang kada kilo ng bigas sa Pamilihang Panlungsod ng Lucena, ayon sa tindera na si Lalaine Piñon.

“Ano kunti lang ano lang P2, medyo”.

Sinabi naman ng tinderang si Marilyn De Luna, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil umano sa mataas na presyo ng pagbili ng palay.

“Mataas na po, P2. Mataas daw po ang bili ng palay kaya mataas daw po ang pagbigay sa amin”.

Sa araw-araw na pamimili ng bigas ni Nanay Maria ramdam na ramdam na raw niya ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil hindi na umano sapat ang kanyang pagba-budget.

“Ramdam na ramdam na ay mataas na po yung presyo eh hindi na sapat ang presyo medyo mataas na”.

Kinondena naman ni Cathy Estavillo ng consumer watchdog na Bantay Bigas ang pahayag ng Department of Agriculture na posibleng tataas ng hanggang P5 ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo.

Pinuna rin niya ang pagbibigay katuwiran pa ng DA sa dahilan ng muling pagtaas ng presyo ng bigas na dahil umano sa mababa ang buffer stock, mataas ang presyo sa farmgate bunsod ng dry season at ang pagtaas ng imported na bigas.

Pin It on Pinterest