Presyo ng cooking oil o mantika, nananatiling mababa sa Lucena City
Nananatiling mababa ang presyo ng cooking oil o mantika sa Pamilihang Panlungsod ng Lucena sa kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng itlog, gulay at iba pa.
Ayon sa tindera ng mantika na si Malyn, nasa P80 hanggang P90 ang kada litro ng mantika habang ang isang lapad naman ay nasa P30 kada plastic bottle.
“Mababa na ang mantika, P80 P85 kapag kasama ang lagayan”.
Ayon pa sa ilang tindera at tindero ng cooking oil, bago pa raw pumasok ang bagong taon ay nananatiling mababa o walang paggalaw sa presyo nito.
“Wala naman dati pa rin naman, stable. Yung coconut oil po P90 yung palm oil ay P80 po kada litro”.
“Mababa P90 or P85”.
Ang isang gallon naman ng coconut oil ay nasa P260 habang ang kalahating gallon nito ay nasa P130.
Marami raw suplay ng mantika sa pamilihan kaya wala silang nakikitang dahilan para tumaas presyo nito tulad ng ibang bilihin.