News

Presyo ng Galunggong sa Lucena City Public Market Bumaba sa P80 per Kilo

Kalahati sa karaniwang presyo ang ibinaba ngayon ng presyo ng Galunggong sa Lucena City Public Market.

Kung noong mga nakaraang linggo 200-240 pesos mo mabibili ang isdang Galunggong sa naturang pamilihan, ngayon bumaba na ang presyo nito sa 80 pesos per kilo depende sa klase.

‘’80 parang mura yata? Mura talaga.”

Ang galunggong na pulang buntot, Burot kung tawagin ay nasa 100-120 per kilo ngayon ang bentahan, pero noong nakaraang araw nasa 80-pesos per kilo ang presyo nito.

Isang linggo na daw na mababa ang presyo ng naturang isda, dagsa daw kasi ngayon ang supply nito pero sabi ng ilang maninindahan, nagsisimula nang tumaas ang presyo ng isda sa pamilihan, mararamdaman ang mataas na presyo pagpasok ng holy week.

‘’Huling dating ito ng maramihan kaya medyo mura pa, nag uumpisa ng tumaas ngayon ito na ang hulingmura ngayon bago mag Holyweek, may isang lingo ng mura noong nakaraang 80-100 lang ang kilo,” sabi ni Mariel.

‘’Tataas magiging 240 na uli sa Mahala na Araw mahal na rin ang isda.”

Sa ngayon mura din ang ibang uri ng isda gaya ng Tambakol na isang daang piso lamang ang kilo.

Ang isdang tabang naman gaya ng Tilapia at Bangus ay wala pang paggalaw sa presyo.

Sa darating na Lunes April 3, Lunes Santo mararamdaman ang mataas na presyo ng isda, mataas na daw demand nito sa merkado dahil sa pag-iwas ng marami sa pagkain ng karne, siya namang pag baba ng supply ng isda dahil sa liwanag ng buwan wala raw masyadong mahuling isda.

Pin It on Pinterest