News

Presyo ng gulay sa Lucena City Public Market, nananatiling mataas

Umaabot sa 10 hangang 20 pesos o higit pa ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng mga gulay sa Lucena City Public Market na ilang linggo nang nararanasan ng mga mamimili.

“Mahal ngayon sobra, kulang pa sa sahod, gulay na nga lang ang ulam kulang pa,” ayon sa isang mamimili.

Sa pwesto ni Aling Marie, ang repolyo na mabibili noon ng hanggang 60 pesos kada kilo ngayon umabot na hanggang sa 80 pesos per kilo. Tumaas din ang presyo ng talong ng hindi bababa sa sampung piso ang kada kilo na mabibili ngayong ng 60 hangang 70 pesos per kilo halos kapareho ng presyo ng patatas. Ang sayote na dating 25 pesos per kilo ngayon hindi bababa sa 30 pesos kada kilo ang presyo. Ang sitaw umabot na sa hanggang 120 per kilo ang presyo. Hindi bababa sa 20 pesos ang itinataas ng sibuyas na pula depende sa quality nito ang maliit na sibuyas na naglalaro lamang sa 160 hangang 180 pesos per kilo, ngayon hindi bababa sa 200 pesos ang presyo. Tumaas din ng sampung piso ang kada kilo ng pechay Baguio. Ang larang berde tumaas din ang presyo. Ang siling pula na dating naglalaro lamang sa 200 hangang 220 ang presyo umabot na 300 pesos ang kada kilo.

Ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng pananalasa ng bagyong si Karding, ilang linggo na ang lumipas

“Nalubog po ang Norte kaya ganun,” ang sabi ni Marie, maninindahan ng gulay.

Sabi ng tinderang si Boyet, kulang ang suplay ngayon ng mga gulay dahilan ng mataas na presyo, mataas ang demand kulang naman ang suplay.

“Nagbagyo po, kaunti po ang suplay galing Norte kaya dito sila na sa Southern Tagalog tumaas ang demand,” sabi ng tinderang si Boyet

Kaya ang maraming mamimili todo diskarte sa mapipili ng gulay, kung saan may mura ng kaunti doon sila bumibili.

“Nanimimili ako kung saan may mura-mura, kung anong murang mabibili ko,’’ ang sabi naman ng mamimiling si Eleonor”

Sabi ng ilang tindera posible pang umabot ng holiday season ang mataas na presyo ng gulay.

Pin It on Pinterest