News

Presyo ng Isda sa Lucena City Public Market Asahan na ang Pagtaas sa Holy Week

Mahigit dalawang linggo pa bago ang mahal na araw, ngayon palang asahan na raw ang posibleng pagtaas sa presyo ng mga isda sa Lucena City Public Market ayon yan sa mga maninindahan ng isda sa naturang pamilihan.

Sa panahon daw kasi na iyon ay nagiging mataas ang demand ng isda marami ang bumibili nito dahil sa pag-iwas sa pagkain ng karne ng mga Katoliko bilang pangingilin at sarkrispisyo sa panahon ng Semana Santa.

Sa panahon din na ito ayon sa mga nagtitinda kakaunti ang dating ng isda sa pamilihan, wala raw kasi halos lumalaot dahil sa naturang tradisyon ng mga Katoliko.

Ang pagtaas ng presyo ng isda sa ganitong panahon, karaniwan na daw na nangyayari taon-taon.

Maging ang isdang tabang raw na tinatawag gaya ng bangus at tilapia ay tumataas din ang presyo tuwing Holy week.

Samantala, ngayong araw mataas ang presyo ng isdang alat na karaniwang binibili sa pamilihan.

Ang maliliit na galunggong ay hindi bababa sa 200 pesos ang presyo bawat kilo, hindi bababa sa 160 pesos kada kilo ang presyo ng isadang hiwas, ang tulingan hindi bababa sa 200 pesos ang kada kilo, ang presyo ng tamban hindi bababa ng 160 pesos ang kilo mahal din ngayon sa pamilihan ang iba pang uri ng isdang alat kumapara noong mga nakaraang araw.

Pin It on Pinterest