News

Presyo ng isda, tumaas dahil sa Bagyong Paeng

Tumaas ang presyo ng isda sa Pamilihang Panlungsod ng Lucena dahil daw sa nagdaang bagyong Paeng.

Hindi pinayagang makapalaot ang mga mangingisda nitong mga nakaraang araw, kaunti ang supply ng mga isdang-dagat sa mga pamilihan kaya tumaas ang presyo ng ilang isda sa palengke.

Dahil dito, ayon sa tindera ng isda na si Luzviminda, aabot sa hanggang mahigit P40 ang itinalon ng presyo sa ilang isdang-dagat.

“Nagtaas po sir, P40 po ang isang kilo ‘yan po ay GG, manitis, siga at alumahan. Lahat po ‘yan nagtaas ng bente bente,” sabi ng tindera na si Luzviminda.

Ayon pa sa mga nagtitinda ng isda, halos lahat daw ng paninda nila ay tumaas ang presyo dahil sa malakas na alon at hangin.

“Tumaas gawa ng mahirap malakas ang alon mahirap manghuli, galunggong na babae tsaka canuping ngayon ay P300 mula sa dating P280-P260”.

“Oo tumaas, P140-P120 ang tilapia mula sa dating P100”.

Dagdag pa ng mga ito matumal din ang benta nila kapag ganitong katatapos ng bagyo dahil hindi kayang bilhin ng mga mamimili.

Nagkaroon ng taas-presyo ang ilang isda sa Lucena City Public Market bunsod ng masamang panahon.

Pin It on Pinterest