Presyo ng kamatis P10 na lamang ang kada kilo sa Lucena City
Bagsak presyo ngayon ang kamatis sa Lucena City Public Market, sa halagang sampung piso makakabili kana nito ng isang kilo.
‘’Murang mura ngayon sampung piso ang kilo, ‘’ ang sabi ng tinderang si Aling Monica.
Kaya naman ang ilang mamimili na dating per piraso lang ang binibiling kamatis ngayon kilo-kilo na ang pagbili.
‘’10 pesos lang, magkano binili mo ilang kilo? Isang kilo lang pero kahapon bumili ako dalawang kilo panggisa,” ang sabi ng mamimiling si Emily.
‘’10 piso lang isang kilo, saan gagamitin? bahala na paglahok sa itlog,’’ ang sabi naman ng mamimiling si Elena.
Ang presyo ngayon ng kamatis malayo sa dati nitong presyohan na hindi bababa sa 60 pesos per kilo na kung minsan sabi ng mga maninindahan ay umaabot pa nga raw ng lampas isandaang piso ang kilo.
‘’ Dati yaan ay nag lilimang piso ang isang piraso.”
‘’Dati umaabot siya ng 160, 140, 120 ngayon sampung piso na lamang.”
Bakit nga ba bumababa sa 10 piso ang ang presyo ng kada kilo ngayon ng kamatis.
‘’Over supply puro kamatis ang nadating.”
‘’Pagkaganitong Abril at Mayo talagang tagkamatis marami ang supply.”
Isa rin daw sa posibleng dahilan kung bakit ibinibenta na ng mababang halaga ang kamatis ngayon ay dahil sa mainit na panahon na siya raw mabilis na nakakapagpabulok nito.
Sabi ng ilang maninindahan may isang buwan ng bagsak presyo ang kamatis sa nasabing pamilihan.