News

Presyo ng manok at baboy, posibleng tumaas, ayon sa ilang tindera

May posibilidad na tumaas ang presyo ng karne ng baboy habang papalapit ang Mahal na Araw.

Ito ang naging pahayag ng tinderang si Rose Ann sa Lucena City Public Market sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

“Medyo ho siguro tataas din pero manok ganon pa rin. Meron daw po naririnig rinig namin gawa ng syempre kinukuha sa ibang ano sa ibinababa ng slaughter.”

Ayon naman sa tinderong si Ronnie, nagsimula nang tumaas ang presyo ngayon ng karneng baboy at posible pa raw itong tumaas dahil sa kulang ang suplay nito.

“Tumataas na po talaga ngayon, simula na po 2 days na po. Maari po kasi kulang sa baboy.”

Maging ang Presyo ng Manok ay posible ring tumaas.

“Oo may posible, tumataas na nga ang baboy ngayon eh.”

Sa ngayon aniya ay maayos pa naman ang presyo at suplay nito sa Lungsod ng Lucena kung kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga Lucenahin.

Sa pamilihan ng lungsod nasa P280 ang presyo ng karne ng baboy habang nasa P220 ang presyo ng manok kada kilo.

Pin It on Pinterest