Pribadong sektor at pamahalaan nagtulong para sa kabataan ng Taysan
Nagsagawa ng Memorandum of Agreement o MOA Signing sa Lalawigan ng Batangas noong isang araw ang isang kumpanya ng semento, Department of Education, LGU at Gawad Kalinga para programang makakasiguro ng kalusugan ng mga kabataan. Tinawag na Kusina ng Kalinga ang programa sa pakikipag tulungan ng Republic Cement, Pamahalaang Bayan ng Taysan at Gawad Kalinga ay magbibigay ng masustansyang pagkain pantanghalian sa mga batang nasa elementarya sa bayan ng Taysan. 750 na mga bata ang mabibiyayaan ng proyekto sa apat na eskwalahan, Pagasa Elementary School, Bilogo Elementary School, Taysan Central School at Mapulo Elementary School. Sinisiguro naman ng MOA ang tuloy tuloy na pagtulong ng mga pumirma sa kasunduan sa loob ng isang school year o School Year 2017-2018.
Pumirma sa kasunduan ang Program Manager ng Gawad Kalinga, Republic Cement, Municipality of Taysan sa pamamagitan ni Mayor Grande Gutierrez, DepEd District of Taysan na kinatawan ni Principal Belinda Arellano ng Taysan Central School. Nagsilbing saksi naman sa aktibidad si Batangas Province Governor Hermilando Mandanas.
Naniniwala naman ang mga involve sa proyekto na magiging malaki itong tulong hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang ng mga ito.