News

Pride March Parade Festival isinagawa sa Lalawigan ng Batangas

Isinagawa ang ikatlong Batangan Pride March Parade Festival para sa LGBT o Lesbian-Gay-Bisexual-Transgender Community sa lalawigan ng Batangas kamakailan sa Provincial Auditurium sa Batangas City. Nilahukan ng mahigit dalawampung LGBT Groups mula sa 24 na lungsod at bayan sa Batangas at sinimulan sa pamamagitan ng isang parada ng mga kalahok sa Provincial Capitol Grounds.

Ayon kay Florita Lachica, assistant department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office, ginagawa ang pride march kahit sa ibang bansa at isang uri anya ito ng adbokasiya para kilalanin ang kanilang komunidad at isang lugar din para sa promosyon ng karapatan ng LGBT community.Ayon pa rin kay Lachica, dati ng kinikilalang sektor ng kanilang opisina ang LGBT community katulad ng sa senior citizens, persons with disabilities, womens organization at iba pa.

Nagsilbing panauhing pandangal si Atty. Kristine Jazz Tamayo, Pangulo ng Rainbow Rights Philippines at isa sa mga nagtataguyod ng karapatan ng mga miyembro ng LGBT community. Tinalakay ni Tamayo ang ukol sa Sexual Orientation and Gender Identity (SOGI) kung saan binigyang diin niya ang pantay at tamang pagtrato sa LGBT community saan mang lugar, panahon o pagkakataon.

Pin It on Pinterest