LocalNews

Pride ng Quezon Ma. Ahtisa Manalo, 3rd runner-up sa Miss Universe

Kinoronahan bilang 3rd runner-up sa 74th Miss Universe up ang pride ng Quezon at pambato ng Pilipinas na si Ma. Ahtisa Manalo.


Nagmarka ng malaking impact ang beauty queen sa prestihiyosong pageant partikular sa Q&A segment.


“I work with an organization called Alon Akademie, where we work with young people to provide them opportunities to make them realize that it doesn’t define where you will go. And I want to continue working with Alon Akademie in bigger platform like Miss Universe to pursue, making sure that low-income backgrounds are given the same opportunities as everyone else,” sagot niya sa tanong na “If you win the title of Miss Universe tonight, how would you use this platform to empower young girls?


Sinabi ni Ahtisa na hinarap niya ang mga bahagi ng question-and-answer nang may sinseridad, tinitiyak na “sumagot mula sa puso anuman ang itanong nila” sa kanya.


Bagama’t maraming dismayado sa resulta ng kompetisyon, masaya umano siya at kuntento dahil ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya.


That’s okay. Things like that happen, that’s out of our control. But maraming maraming salamat po sa suporta at sa pagmamahal niyo,” pagpapasalamat niya sa lahat ng taga-supporta.


Si Ahtisa ay tubong Candelaria, Quezon at nagtapos sa Manuel S. Enverga University Foundation – Candelaria. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas International noong 2018 at itinanghal na first runner-up sa Miss International 2018.


2024 nang maging kinatawan siya ng Quezon sa Miss Universe Philippines ngunit nagtapos lamang bilang 2nd runner-up. Sunod niyang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Miss Cosmo 2024 kung saan nakapasok siya bilang Top 10 finalist.


Muli siyang sumabak sa Miss Universe Philippines noong 2025 at naiuwi ang korona sa Quezon.

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest