News

Prime Water Quezon Metro nais pagpaliwanagin ni Board Member Luces kaugnay sa mga reklamo ng mga mamamayan sa serbisyo ng tubig

Hiniling ni Bokal Julius Luces ng 1st District ng Quezon na ipatawag ang ilang opisyal ng Prime Water Quezon Metro kaugnay sa biglaang pagkawala ng tubig, mahinang pressure at kung sakaling magkatubig naman sa gripo ay hindi umano nalampas ng 12 oras at kadalasan daw ay sa hatinggabi pa.

“Nakikisuyo po ako I humbly asking to Prime Water and QMWD dito po sa ating butihing OIC Prime Water Grace De Ramos at General Manager Carina De Asis sapagkat po marami tayong nakikita sa social media mga kababayan po natin na humihingi ng kasagutan isa na ito sa biglaang pagkawala ng tubig, mahinang pressure at kung dumadaloy man po ang tubig sa kanila ito naman po ay hindi lumalampas ng 12 oras at kadalasan po ay sa gabi pa kaya marami po ang napupuyat,” sabi ni Luces.

Aniya, ‘pag umuulan daw ay nagkukulay putik umano ang nalabas sa gripo ng mga water concessionaire kaya nais nitong ipatawag sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon upang magpaliwanag hinggil sa usapin.

“Opinyon para po sa better service ng service provider ng Prime Water ng tubig marami pong parte dito sa District 2 like Lucena City, Tayabas and Pagbilao as well as Mauban ganon din po kapag umuulan kita natin na kulay putik po ang tubig na nalabas sa gripo nais nating malaman kung ito ho ba ay safe pa for the consumption of our citizens,” saad ni Luces.

Dagdag pa ng bokal, nais niyang malaman ang saktong timeline ng mga water repairs sa public highways para hindi nananatiling obstructions sa kalsada at maiwasan ang aksidente ng mga motorista.

“Nais lamang po nating ma-enlighten dito po sa ginagawang pag-improve nila marami po tayong nakikitang nakahambalang na Prime Water barricade pansin ho natin matatagal na po yung iba maaring buwan buwan na po itong nakahambalang sa kalsada and this is an obstruction to our motorist na pwedeng maglead sa accident,” sabi ni Luces

Tinukoy ni Luces ang mga lugar na naaapektuhan ng naturang mga isyu ay ang Lungsod ng Lucena, Lungsod ng Tayabas, Bayan ng Pagbilao at Mauban.

Nilinaw niya na hindi siya namumulitika kundi hangad lamang niya ang katugunan, aksyon, kaayusan at mas maayos na serbisyo sa maraming kabahayan batay na rin sa reklamo ng mga mamamayan sa water service.

Pin It on Pinterest