PrimeWater Quezon Metro, nagpaliwanag sa SP Lucena hinggil sa nararanasang problema sa suplay ng tubig
Ibinahagi ni Lucena City Councilor Nicanor “Manong Nick Pedro Jr., sa bahagi ng information hour sa regular na session ng Sangguniang Palnugsod ng Lucena ang mga natanggap niyang reklamo hinggil sa nararanasang problema sa suplay ng tubig sa lungsod.
Ito’y matapos na dumalo sa kaniyang imbitasyon ang pamunuan ng Primewater Quezon Metro sa pangunguna ni Mary Grace De Ramos, ang Branch Manager ng naturang kumpanya sa Sangguniang Panlungsod nitong Lunes, September 4.
Isa sa itinuturong dahilan ng paghina ng suplay ng tubig ng PrimeWater Quezon Metro ang paggamit ng ilang kabahayan at establisimyento ng water pump.
Ayon kay De Ramos, ipinagbabawal ang pagkakabit ng water pump.
Aniya, ito ay upang mas maging malinaw kung anong aksyon ang dapat gawin upang masolusyunan ang kanilang problema tulad ng ginagawa nilang declogging, paglilipat sa ibang linya at tapping.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na rin daw ang pamunuan ng Primewater Quezon Metro sa mga apektadong barangay na nakakaranas ng problema sa suplay ng tubig sa siyudad.
Una nang pinaimbitahan ni Konsehal ‘Manong Nick’ sa Sangguniang Panlungsod ang pamunuan ng PrimeWater Quezon Metro dahil sa nararanasang problema sa suplay ng tubig sa lungsod upang mabigyang-linaw at direktang maiparating sa mga Lucenahin kung ano ba talaga ang dahilan nito at para marinig din ang panig at paliwanag nito.