News

Probinsya ng Quezon una nang nagdeklara ng state of calamity; pinsala ng bagyo higit 1 bilyong piso

Nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang rehiyon sa bansa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Kabilang dito ang Regions 4-A (CALABARZON), 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM.

Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 84 na nilagdaan noong Nobyembre 2.

Ang pagsasailaim sa state of calamity sa mga nasabing rehiyon ay para mapabilis ang pagbangon at pagtugon na rin ng gobyerno sa pangangailangan ng mahigit isang milyong populasyon na apektado ng kalamidad.

Batay sa kautusan, iiral ang state of calamity sa loob ng anim na buwan hanggang sa magdesisyon ang pangulo na alisin na ito.

Samantala, bago pa man ang deklarasyong ito, una nang isinailalim ang buong Probinsya ng Quezon sa state of calamity sa bisa ng 19th Sangguniang Panlalawigan of Quezon Resolution No. 2022-1340, Series of 2022 noong October 31, 2022 kaagad nagsagawa ng online special session ang Sangguninang Panlalawigan sa kahilingan ni Governor Helen Tan.

Upang mabilisang matugunan ang pangangailangan ng mga kababayang lubhang napinsala ng nagdaang bagyong Paeng sa pamamagitan ng 30% Quick Response Fund (QRF).

Ayon kay Vice Governor Anacleto Alcala III, sa lawak ng pinsala sa maraming bayan sa lalawigan ng Quezon dahilan para kaagad nilang tugunan ang rekomendasyon ng gobernadora sa pagdedeklara ng state of calamity, hindi lang para kaagarang magamit ang QRF kundi upang maprotektahan na rin ang mga consumer sa pananamantala ng posibleng pagtataas ng mga bilihin.

“Kapag kailangan ng excutive kailangan andiyan kaagad po tayo para to declared, would justified the utilizition of QRF at tsaka alam n’yo naman ang implikasyon kapag nagdeclare ka ng state of calamity nagkakaroon freeze sa presyo ng mga pangunahing bilihin so isa ho ‘yan kaya hinahabol saka iyong pagdeclare ng state of calamity at para madali ring magamit iyong mga nakalaang pondo hindi lang ng probinsya maging ng mga munisipyo up to the barangay level kaya po napakahalaga nito,”ang sabi ni Vice Governor Third Alcala.

Sa pagtataya ng pinsala sa kabuuan sa buong lalawigan higit isang bilyong piso na ang damage na iniwan ni Bagyong Paeng.

Mahigit P42 milyon ang halaga sa mga nasirang kabahayan, mahigit P1 milyon ang pinsala sa livestock mahigit P367 milyon ang pinsala sa agrikultura, mahigit P227 milyon naman ang damage sa mga school building at mahigit P159 milyon naman sa imprastraktura.

Pin It on Pinterest