Product Standards and Conformance Seminar isinagawa ng DTI-Region IV-A
Nagsagawa ng isang seminar ang Department of Trade and Industry sa Lalawigan ng Laguna tungkol sa Product Standards at Conformance na tumatalakay sa kaligtasan at tamang espesipikasyon at kalidad ng mga produktong binibili ng mga consumer sa CALABARZON Region. Dinaluhan ng aabot sa 100 participants mula sa LGU o local government units, may ari ng mga hardware, retailers ng mga salamin, ceramic tiles at iba pang establisimiyentong accredited ng DTI ang nagsidalo. Pinagusapan sa seminar ang mga batas na gumagabay sa mga mamimili at maging sa mga nagbebenta ng produkto upang lalong maunawaan ang kanilang mga karapatan. Pinagusapan din sa aktibidad ang Philippine National Standards ng iba’t ibang produkto ang mga sertipikasyong kalakip ng mga ito kung pumasa sa pagsusuri.
Nagpaalala naman ang Deparment of Trade and Industry sa publiko na huwag ikompromiso ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbili ng mga sub standard na mga produkto. Maaaring naka-mura ang consumer pero ang kapalit naman anila nito ay ang mababang kalidad ng kanilang nabili na maaaring makapag dulot ng kapahamakan. Maaaring magtungo ang sinumang consumer sa mga opisina ng DTI kung may nabiling substandard na mga produkto at kapag napatunayan ay posibleng managot ang mga negosyante sa ilalim ng Republic Act 7394 na nagtatalda rin ng parusa sa mga manufacturer, dealer at retailer mula sa pagmumulta hanggang sa pagkakakulong.