Project “ISLA” Mobile Blood Donation, ikinasa sa Quezon
Daan-daang residente ng Polillo Group of Islands sa Lalawigan ng Quezon ang nakiisa sa isinagawang blood donation drive nitong Martes, Mayo 16.
Magkatuwang sa programa ang Department of Health – Center for Health Development-Calabarzon, Local Government Unit ng Burdeos at Polillo, Quezon Integrated Provincial Health Office, TV 5 Alagang Kapatid Foundation, Quezon Medical Center at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center.
Ayon sa DOH-Calabarzon, ito ang kauna-unahang nilang blood donation drive sa island community.
Isinagawa ang Project ISLA o Inter – Island Saves Lives Assistance through Mobile Blood Donation sa Municipal Plaza ng Burdeos, Quezon at Polillo Multipurpose Center kung saan nakalikom ng 264 successful blood donations.
Patuloy naman ang paghikayat ng ahensiya sa publiko na makiisa sa mga ganitong blood donation drive upang marami pa ang matulungan na nangangailangan ng suplay ng dugo.