News

Project KPOP Sinimulan na ng mga Batang Krosingin

Pinangunahan ng Youth for Environment in Schools Organization o YES-O ng Mayao Crossing Elementary School ang proyektong KPOP “Kalat mo Para sa Oplan linis ng Paaralan ko”.

Ito ay isang income-generating project na naglalayong turuan ang mga mag-aaral ng MCrES na mag-recycle ng mga papel at plastic bottles na kanilang ginamit.

Ang mapagbebentahan ng mga recycled materials ay ibibili ng mga gagamitin para sa cleaning programs ng organisasyon.

Pagkatapos ng klase ng mga YES-O officers nitong nakaraang Biyernes, Marso 24, 2023, sinimulan nilang mangolekta at mag-segregate ng mga naipong recycled materials sa bawat classrooms.

Matapos ang paglilibot sa paaralan, halos 55kilos na mga papel at bote ang naipon, sa unang linggo ng pagpapatupad ng proyekto, nakapagbenta ang mga officer’s ng Php239.00.

Ang project KPOP ay patuloy na ipapatupad ng paaralan upang ang pagre-recycle ay maging kultura ng mga kabataang Krosingin.

Samantala ang Mayao Crossing Elementary School ay nagpapasalamat sa lahat ng mag-aaral at kaguruang nakiisa sa proyektong ito ng YES-O.

Pin It on Pinterest