Proposal para PPP mga unsolicited proposals, hindi pa napag-uusapan ng Baord of Directors –Atty. Vic Joyas, QMWD Chairman
Nilinaw sa eksklusibong panayam ng 99.7FM at Bandilyo TV ni QMWD Chairman Atty. Vicente Joyas na walang pang aksyon ang board ng QMWD sa napapabalitang privatization o PPP sa ahensya dahil hindi pa anya ito napapag-usapan. Iginiit pa ni Atty. Vic Joyas na ang naka-pending na proposals sa kanilang opisina ay mga unsolicited proposals ng iba’t ibang kumpanyang gustong maka-partner ang QMWD sa ilalim ng PPP o Public-Private Partnership program. Ito ang pahayag ni Joyas mga nagpapakalat umano ng mga balitang isasa-pribado ang Quezon Metropolitan Water District.
Inamin naman samantala ni Joyas na ang mga nagsumite ng mga proposal para sa partnership ay palagiang sumusulat at tumatawag sa kanyang opisina at tinatanong kung ano na daw ang nangyari sa kanilang proposal. Dahil Dito ayon kay Joyas ay nag-utos siyang bigyan ng kopya ang lahat ng Board of Directors ng QMWD upang mapag-aralan ang mga proposal ng iba’t ibang kumpanya. Pero hanggang sa ngayon anya ay hindi pa ito napapag-usapan.
Mariin ding pinabulaanan ni Atty. Joyas na hindi siya nagkipag-usap o nakikipag-usap sa sinomang nagsumite ng mga PPP proposal sa QMWD.
Ito ang sagot ni QMWD Chairman of the Board Atty. Vicente Joyas sa umano’y pagsasapribado ng QMWD at isa umano siya sa mga kinakausap upang ito ay maisakatuparan.