PSA: bilang ng Pilipinong walang trabaho, nabawasan ng 1.78M
Naitala nitong Setyembre ang pinaka mababang lebel ng unemployment simula 2019 sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority.
Lumabas na nabawasan ng 1.78 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho kumpara noong nakalipas na taon.
Dahil dito tuluyan ng bumaba sa 2.5 million ang kasalukuyang unemployment.
Paliwanag ng Philippine Statistic Authority o PSA dahil ito sa pagbabalik eskwela.
Sa kabila nito patuloy naman ang pagtaas ng underemployment kung saan kinakatawan nito ang mga Pilipinong nagtatrabaho ng part time at naghahanap ng karagdagang pagkakakitaan.
Kabilang dito ang mga nagtatrabaho sa sector ng edukasyon, transportasyon at manufactured.
Paliwanag naman ni Chief Economist, Michael Ricafort, ito ay dahil sa mabagal na recovery ng ilang Negosyo na kadalasan ay kumukuha ng part time employees.
Pero posible umanong bumuti ang employment rate ngayong holiday seasons dahil inaasahan na mas maraming hiring, sales at kita para sa mga negosyo.
Ngunit ang hamon dito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa isang panayam sinabi ni Usec. Dennis Mapa na may impact sa demand at sa mga negosyo ang pagmataas ang inflation rate sa bansa.
Ayon naman sa NEDA ang pagkakaroon ng sapat na makakain parin ang kanilang pratoridad para protektahan ang pinaka apektadong sector ng lipunan.