News

Public-private partnerships, ikinasa para sa pagpapalakas ng industriya ng niyog sa Sampaloc, Quezon

Patuloy ang pagpapasigla ng industriya ng niyog ng Sampaloc, Quezon sa pamamagitan ng private-public-partnership.

Sa pagtutulungan ng Philippine Coconut Authority – Calabarzon,D’Farm Sampaloc Municipal Agriculture Office ng bayan at pribadong sektor, isinagawa nitong Sabado ang Coconut Community Immersion & Coco Farm Tour.

Ayon sa local government ng Sampaloc, layon nito na maibalik at mapalaki pa lalo ang industriya ng niyog sa bayan.

Bumisita dito ang country manager ng doterra Essential Oils, isa sa pinakamalaking buyer ng coconut oils sa buong mundo, kasama ang Chemrez Technologies.

Napag-usapan ng grupo ang mga bagong programa na makakadagdag pa sa kikitain at oportunidad ng mga coconut farmer.

Bukod dito, nagkaroon din ng pamamahagi ng health kits mula sa kompanya para sa mga mag-aaral ng Caldong Resettlement Elementary School bilang bahagi kanilang ng coconut community immersion at social responsibility.

Pin It on Pinterest