NationalNewsUncategorized

Publiko, pinaalalahanan sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan

Opisyal nang ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Kaugnay nito, nagpaalaala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa mga sakit na maaaring makuha sa panahon ngayon tulad ng dengue, leptospirosis, at influenza-like illness.

Isa ang dengue sa nauuso na sakit tuwing tag-ulan dahil naglalagi ang mga lamok sa madudumi at basang lugar.

Sa ulat ng kagawaran noong Marso, 67 na ang namamatay dahil sa naturang sakit. Sa kabila nito, sinabi nila na bumaba ang kaso ng dengue noong mga nagdaang buwan.

Sa datos ng kagawaran, noong Enero 14-27 mayroong 7,434 na kaso kumpara sa 8, 368 na kaso noong Enero 1-13 habang naging 5,267 na lamang ito noong Ener 28-Pebrero 10.

Karaniwang sakit na maituturing din ngayong tag-ulan ang Leptospirosis na sanhi naman ng bacterial infection. Malimit na magkaroon nito ang mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain at lumakad o lumangoy sa tubig-baha.

Noong first half ng 2023, mahigit 200 ang namatay dahil sa sakit na ito.

Isa pang nakapipinsala ang influenza-like illness. Maaari itong kumalat sa pamamagitan ng mga airborne particles o pakikisalamuha ng mga tao, lalo na sa mga madalas na pagtitipon-tipon.

Patuloy ang paghihikayat ng DOH sa mamamayan na mag doble ingat pagdating sa kinakain at iniinom at siguraduhing hindi ito kontaminado.

Payo rin nila na ugaliing maghugas ng kamay, iwasan ang paglusong sa baha, magsuot ng facemaskat tiyaking malinis ang kapaligiran.

Pin It on Pinterest