NewsRegional

Publiko, pinag-iingat sa volcanic smog na namataan sa Batangas

Pinag-iingat ng Phivolcs at local health officials ang publiko sa volcanic smog o isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng mga bulkan na binubo ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng Sulfur Dioxide matapos itong mamataan sa Batangas at mga karatig na lugar.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mamamayan na malapit sa lugar na gumamit facemask o dustmask upang maiwasan ang pagkakalanghap ng vog na maaaring magdulot ng

iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract.

Kaugnay ito ng volcanic activity ng Taal. Marami ang nag-akala na nagmula ito sa pagputok ng Mt. Kanlaon sa Negros Occidental ngunit na-trace ng ahensya na nanggaling ito sa Taal Volcano.

Nakapagtala ng isang preatic eruption at limang volcanic tremors ang naturang bulkan na tumagal ng 3 minuto ang haba habang ang pagyanig naman ay umabot naman ng 3-608 minuto ang haba sa nakalipas na 24 oras.

Bagama’t nanatiling nasa Alert Level 1, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ng ahensya ang paglapit at pagpasok sa ipinatutupad na danger zone sa paligid ng bulkan.

Pin It on Pinterest