News

QMWD Chair of the Board Atty. Vic Joyas pinagbabantaan ang buhay dahil sa privatization umano ng QMWD

Muling iginiit ni QMWD Chairman of the Board Atty. Vicente Joyas na hindi pa napapag-usapan ng mga miyembro ng Board of Directors ang tungkol sa PPP o Public-Private Partnership proposal ng mga kumpanyang nakikipag-ugnayan sa kanilang ahensya. Sa naunang Bandilyo ay nasabi na ni Joyas na hindi siya kumakausap o nakakausap ang sinoman sa mga nagsumite ng mga proposal sa QMWD. Sinabi rin nitong hindi siya ang nasusunod sa mga desisyon sa ahensya kundi ang napagkasunduan ng mga board of directors. Kung ano anya ang desisyon ng karamihan ay siyang ipinapatupad ayon pa sa QMWD Chairman. Hinamon pa ni Atty. Joyas ang mga nagpapakalat ng balita na mayroon na umano silang signing bonus ng mga board of directors, sabihin anya kung sino ang kumuha at kung kanino ito nakuha at kapag napatunayang totoo ay hahatian nila ang mga ito.

Ibinunyag samantala ni Joyas na dahil sa kumakalat na balitang ito ay may mga natatanggap umano siyang pagbabanta sa kanyang kaligtasan. Sa umpisa anya ay minumura lamang siya sa pamamagitan ng text message hanggang sa ang iba anya ay pinagbabantaang papatayin at sasaksakin sa likod.

Sinabi ni Atty. Joyas na irereport niya ito sa awtoridad at gagawa ng aksyon upang makilala ang mga nagpapadala ng mensahe.

Pin It on Pinterest