Quezon 3rd Dist. Cong. Danilo Suarez suportado ang Martial Law declaration ni Pang. Duterte sa buong Mindanao
Suportado ni 3rd District Congressman Danilo Suarez ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa Martial Law ang buong Mindanao Region. Sinagot din ni Suarez ang mga katanungan kung bakit buong Mindanao ang isinailalim sa Martial law gayong Marawi City lamang ang sinalakay ng mga teroristang grupo. Ayon kay Suarez, iba ang sitwasyon ngayon dahil hindi anya katulad ng mga nakaraang administrasyon na sa iisang lugar lamang mayroong banta sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.
Sinabi pa ni Suarez na mukang may pag-uusap ang mga grupong umaatake sa security forces ng pamahalaan dahil maging ang mga NPA anya sa Mindanao ay umatake rin. Isang paraan ito ayon pa sa kongresista para hindi maipon ang lakas ng pamahalaan sa Marawi City dahil sa iba’t ibang lugar nanggagaling ang banta sa seguridad.
May isang Linggo na ang nakakaraan ng atakehin ng Maute Group ang Marawi City. Ayon sa AFP ay nakipagsanib pwersa din ang Abu Sayaf Group na naging dahilan kung bakit mula sa kakaunting bilang ng Maute noon ay halos nadoble ang bilang ng teroristang grupo ngayon.