News

Quezon Husker’s, Handa nang Sumabak sa MPBL

Ipinakilala na sa unang pagkakataon ang lahat ng manlalaro ng Quezon Huskers na sasabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL sa isinagawang press conference nitong Miyurkeles ng hapon, March 8.

Sanib pwersa sina Team Manager Atty. Donn Rico Kapunan, Assistant Team Manager Magnum Membrere, Team Consultant Pato Gregorio at Laison and Socmed Executive Jaggie Gregorio at Joelo Tupaz, upang masiguro na malakas ang koponan na pambato ng Lalawigan ng Quezon.

Ang Quezon Huskers ay pamumunuan nina Head Coach Eric Gonzales, 1st Assistant Richie Ticzon, Skills Coach Ed Dela Torre Luis Nolasco, Strength and Conditioning Coach Jonathan De Guzman at PT Wrens Gerard Lee.

Ayon kay Head Coach Eric Gonzales, pagiging hard-working team ang mahigpit niyang tagubilin sa koponon ng Quezon Husker’s para makamit ang susi sa panalo.

“Ang binibilin ko sa kanila lagi ay dapat kami yung pinakang hard working team yun lang naman yung puhunan namin kasi laging sinasabi nila kailangan i-deserve natin yung victory hindi dadating sa atin yung panalo”.

Aniya, ang binuo niyang komponan ay solution-oriented at hindi problem-oriented.

“Syempre pag hinarap mo ang problema ng isa pang problema ay patay ka harapin mo ang buhay na ‘yung challenges na yon diba paparaanan mo para maka hardle ka at mag-grow as a person and as a team”.

Buong suporta naman ang ibibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan para sa magandang oportunidad upang ipakilala ang sports at turismo sa lalawigan.

“It’s an opportunity for us na ipakilala ko ang Quezon Province in many aspects sa sport, sa atin sa tourism na maipakita natin and also ano yung mga magagandang programs na ginagawa natin dito sa Quezon Province”.

Ang unang laban ng Quezon Huskers ay gaganapin sa darating na Sabado, March 11 sa ganap na alas 8:00 ng gabi sa Quezon Convention Center para sa ika-limang season ng MPBL.

Pin It on Pinterest