Quezon Huskers, undefeated pa rin sa MPBL
Nananatiling malinis ang record ng Quezon Huskers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) matapos manaig sa number 1 seeded na Zamboanga Master Sardines sa dikdikang labanan, 82-77 sa Orion Bataan, Mayo 6.
Bumida sa Huskers si dating FEU star LJay Gonzales matapos dalhin sa overtime ang laro. Kumaripas siya sa basket para sa driving lay-up, limang segundo ang natitira.
Sa extra-5 minute game, nagpakawala naman siya ng dagger three na nagpaalagwa sa Quezon. Dito na nahirapang humabol ang Zamboanga.
Kontrolado pa ng Master Sardines ang first quarter at lumamang ng 13 puntos dahil sa mga fast break points ng Marcelino Twins ngunit unti-unting nakahabol ang Huskers sa tulong nina PSL Finals MVP at dating manlalaro ng Zamboanga na si Judel Fuentes at NCAA MVP Will Gozum na umambag ng 16 at 12 puntos.
Nalasap ng Master Sardines ang kanilang unang talo, 5-1 habang 4-0 naman ang Huskers na number 1 na ngayon sa South Division.
QUEZON 82 – Gonzales 17, Gozum 16, Fuentes 12, Sandagon 7, Lagrama 5, Banal 4, Matillano 4, Abundo 4, Saitanan 4, X.Torres 3, Minerva 3, Canon 2, Salonga 0 T.Torres 0.
ZAMBOANGA 77 – Jc Marcelino 24, Santos 14, Barcuma 8, Gabayni 8, Jv Marcelino 6, Publico 5, Mahari 5, Apolonio 3, Alas 2, Omega 2, Strait 0, Ignacio 0, Subido 0, Terso 0, Celestino 0.
Quarterscores: – 11-22, 32-35, 51-51, 72-72, 82-77