Quezon LGU, hinimok ang mga kawani na panatilihin ang propesyonalismo
Isang memorandum order ang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Quezon, Quezon na nagpapaalala sa mga kanilang kawani na panatilihin ang mataas na antas ng propesyonalismo sa pagtupad ng kanilang trabaho.
Kasunod umano ito ng natatanggap ng mga reklamo mula sa mga government clients sa ilang empleyado dahil sa hindi propesyonal na pag-uugali na hindi daw katanggap-tanggap at hindi papahintulutan ng local government.
Sa Memorandum Order 2023-18 na nilagdaan ni Quezon Mayor Juan Escolano, sinabi nito na mahaharap sa naaangkop na kaparusahan ang sinomang kawani na irereklamo ng unprofessional behavior.
Maaaring kabilang sa mga parusang ito ang disiplinary action, pangangaral at maging ang pagkatanggal sa trabaho, depende sa klase ng reklamo at sasailalim ito sa angkop na proseso.
Nakasaad din sa naturang memorandum na ang simpleng pagbati sa mga kliyente nang may ngiti ay malaki na ang maitutulong sa paglikha ng positibong unang impression at pagtatakda para sa positibo at produktibong pakikipag-ugnayan.