Quezon Maritime PNP Pinaigting ang Seaborne Patrol Operations
Patuloy na isinasagawa ng mga miyembro ng Quezon Maritime Police Station ang kanilang seaborne patrol operations sa karagatang sakop ng Lalawigan ng Quezon.
Ito ang sinabi ni PCPT. Benito Siddayao Jr., ang hepe ng Quezon PNP Maritime sa eksklusibong panayam ng Bandilyo.ph
“Talagang tuloy-tuloy kasi ‘yung aming kampanya sa panghuhuli ng mga iligalista sa karagatan kaya effective dahil lagi kaming nakakahuli at tsaka puspusan talaga ‘yung aming pagbabantay,” ani Siddayao.
Sa katunayan, hinuli ng kapulisan ang 3 katao sa bayan ng Calauag, Quezon matapos na iligal na nangingisda
Una rito, inusisa ng mga otoridad kung may mga kaukulang permit sila subalit walang maipakita ang mga ito dahilan para sila ay hulihin sa paglabag sa Municipal Ordinance.
“Mandato kasi kaming mga PNP Maritime ng mag-conduct ng seabourne patrol operations kaya kami nakakahuli dahil binabaybay namin ‘yung aming AOR na sinisiguro namin lalong-lalo ngayon ‘yung huling-huli namin ngayon hindi sila member ng fisherfolks doon sa Municipal,” saad ni Siddayao.
“Seabourne patrol operation nakita namin sa karagatan sa Brgy. Agoho, Calauag, Quezon 4kilometers,” dagdag pa ni Siddayao.
Ito ay upang mas mapaigting ang operasyon na protektahan ang karagatan laban sa lahat ng uri ng mga iligal na aktibidad.
Sa ngayon, sinampahan na ng nasabing istasyon ng kasong illegal fishing na kakaharapin ng mga ito.