News

Quezon Medalya ng Karangalan iginawad sa mga natatanging Quezonian

Binigyang-pagkilala kamakailan ang limang natatanging anak ng lalawigan sa ginanap na Quezon Medalya ng Karangalan 2017 sa isang hotel sa Lungsod ng Lucena. Pinangunahan ni Gov. David Suarez ang paggagawad ng pinakamataas na parangal na ibinibigay ng lalawigan sa mga natatanging indibidwal. Naging bisita sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, DILG Secretary Catalino Cuy, Minority Floor Leader Danilo Suarez, Former Congw. Aleta Suarez, ALONA Partylist Representative Anna Suarez, Vice Gov. Samuel Nantes, mga board members at kinatawan ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Pinarangalan ng medalya at plake sa kategorya ng serbisyong pampubliko si Rev. Msgr. Fr. Joseph Faller, Francisco Rubio para sa agrikultura at pagenenegosyo, Ronel Roces para sa sining at kultura, Maria Nova Veluz para sa pagnenegosyo at Florcepina Oliveros para sa edukasyon.

Sa pahayag ni Quezon Gov. Suarez ay ikinatutuwa anya nito ang pagbibigay karangalan sa mga piling Quezonians dahil isang pamamaraan ito ng lalawigan upang kilalanin ang mga natatanging gawain na naiaambag ng mga ito para sa Quezon. Naniniwala ang si Suarez na mahalagang isabuhay ng mga taga-lalawigan ang paniniwala ng dating pangulo Manuel Luis Quezon na ipinaglaban ang mga paniniwala at hindi nagpatinag sa anumang pagsubok na kanyang hinarap upang mapaunlad ang bansa.

Nagpasalamat naman ang panauhing pandangal na si DILG Secretary Catalino Cuy sa pagkakataong ibinigay sa kanya upang makadalo sa prestihiyosong kaganapan. Buong-puso nitong kinilala ang tapat na adhikain ng dating pangulo para sa bansa at kung paano siya nagsilbing halimbawa sa magandang pag-papaunlad ng bayan tulad ng mga QMK awardees.

Pin It on Pinterest