News

Quezon PDEA, kinilala ang Tiaong LGU para sa kampanya kontra ilegal na droga

Pinarangalan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA – Quezon Provincial Office ang kampanya laban sa iligal na droga at ang tatlong barangay sa bayan ng Tiaong, Quezon bilang “Certified Drug-Free Barangay” nitong Lunes, February 6.

Ito’y matapos na ideklarang “Certified Drug-Free Barangay” ang mga barangay ng Bula, Poblacion 2 at Poblacion 3 ng naturang bayan.

Ginawaran din ng pagkilala ng PDEA-Quezon si Mayor Vincent Arjay Mea dahil sa kaniyang patuloy na pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa kampanya laban sa iligal na droga.

Habang tumanggap naman ng Certificate of Commendation mula sa Quezon Police Provincial Office o QPPO sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Ledon Monte ang Tiaong MPS bilang Rank 1 Police Station sa Quezon dahil sa mga isinagawang buy-bust operations na nagbigay ng magandang resulta sa SACLEO noong January 23-29, 2023.

Kinilala din ng QPPO ang Tiaong MPS bilang Rank 2 sa pagsasagawa ng buy-bust operations laban sa iligal na droga kaugnay ng PNP Nationwide SACLEO noong January 23 hanggang 29.

Pin It on Pinterest