Quezon PDRRMC 2nd place sa Regional Gawad Kalasag 2017
Nasungit ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Council (PDRRMC) ang 2nd place sa category na Provincial DRRM Council sa isinagawang Regional Gawad Kalasag 2017 kamakailan. Ayon kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer, nakamit ng Lalawigan ng Quezon ang ikalawang pwesto dahil sa maayos nitong programa sa disaster preparedness. Sa Regional Kalasag Award, nanguna ang Batangas Province, habang ang Laguna Province ang nakakuha ng 3rd place. Sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) component city category, nakuha ng Batangas City ang 1st place, Bacoor City ang 2nd place at ang Dasmarinas City ay 3rd place.
Sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ( 4th and 5th class municipalities), nanguna ang Carmona, Cavite bilang 1st place; Tanay Rizal bilang 2nd place at Pagsanjan, Laguna bilang 3rd place.
Ang Gawad Kalasag ay parangal na ibinibigay ng Office of Civil Defense (OCD) bawat taon sa mga DRRMC sa Rehiyong CALABARZON na nagpakita ng kanilang mga ‘best practices’ sa paghahanda at sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.