Quezonians ginunita ang ika-176 na taong kamatayan ni Hermano Puli, mga sundalong taga-Quezon pinarangalan din
Sa kabila ng pag-ulan noong araw ng Sabado ay itinuloy ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang kanilang programa upang bigyang parangal ang isa sa mga natatanging bayani ng Lalawigan ng Quezon ay ng bansa. Noong araw ng sabado, November 4 ay ginunita ng lalawigan ang ika isangdaan at pitumput anim na taong kamatayan ni Apolinario Dela Cruz na mas kilala bilang Hermano Puli. Isinagawa ang aktibidad sa bantayog ni Hermano Puli sa Barangay Isabang Lungsod ng Tayabas. Nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng pamahalaan sa bantayog kabilang ang bisita sa programa na si Southern Luzon Command Commander, MGen Benjamin Madrigal Jr. Sa kapareho ding okasyon ay binigyang parangal ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ni Quezon Governor David Suarez ang labing limang sundalong taga-lalawigan na nagbigay ng kanilang kontribusyon sa pagpapatupad ng kaayusan sa Marawi City.
Samantala si Apolinario Dela Cruz o Hermano Puli ay isinilang sa bayan ng Lucban, sa lalawigan ng Tayabas na kasalukuyang Lalawigan ng Quezon ngayon. Nag-aral bilang pari si Hermano Puli pero hindi tinanggap ng religious order noong panahon ng Kastila dahil ito ay isang indio o native Filipino. Nagtayo ng sariling religious order si Puli na tinawag na Cofradia de San Jose. Base sa pag-aaral ay lumaki ng hanggang sa mahigit limang libong miyembro ang cofradia mula sa sariling lalawigan, Batangas at Laguna.