Region IV-A, isinailalim sa State of Calamity
Ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng ay nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian, pinsala sa agrikultura, pagkawala ng buhay at perwisyon sa pang araw-araw na pamumuhay ng mamamayan.
Mahigit 1.4 milyon ng populasyon sa Rehiyon IV-A, V, VI at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng.
Dahil dito, naglabas na ng deklarasyon ang Malacañang ng State of Calamity sa CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao alinsunod sa Proclamation No. 84 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Alinsunod dito ang paggamit ng angkop na pondo para sa pagtulong, rehabilitasyon at pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Ang lahat ng mga kagawaran at iba pang kinauukulan ng ahensya ng gobyerno ay inaatasan din na makipag-ugnayan sa mga LGU para makapagbigay ng karagdagang mga serbisyo at pasilidad ng mga apektadong lugar upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar.
Ang state of calamity ay mananatili ang bisa sa loob ng anim na buwan maliban kung ipagpapawalang bisa ng Pangulo.