News

Rollback sa Langis Wala nang kasunod, Mga Driver Dismayado

Matapos makaranas ng oil price rollback, hiling ng mga tsuper na sana ay masundan pa upang kahit paano ay makabawi-bawi.

Kaya lang tila malabo nang masundan pa ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad sa isang panayam. Ito’y matapos na makita na posibleng tumaas na naman ang presyo ng langis, bagay na ikinadismaya ng ilang tsuper sa Lucena City.

Paano na raw sila, unfair daw ang oil price adjustment, isang beses lang ang rollback pero ‘pag nag-increase ilang linggong sunod. Ayon kay Abad, batay sa kanilang projection, malaki ang posibleng itaas pero hindi naman lalampas ng sampung piso. Kasabay nito, hindi pa rin masabi ng Energy Department kung kailan magiging stable ang presyuhan ng langis sa world market. Sinabi ni Abad na bukod kasi sa giyera sa Russia at Ukraine, apektado rin ang suplay ng langis dahil sa pag-iwas ng maraming bansa na bumili sa Russia dahil sa sanction ng Amerika at ang pag-atake ng mga Yemeni rebel sa oil facilities ng Saudi Arabia na isa sa top oil producing country.

Pin It on Pinterest