Sampaloc, Quezon, idineklara nang insurgency free
Idineklara bilang isang insurgency free ang Bayan ng Sampaloc, Quezon o isang Stable Internal Peace and Security (SIPS) ito ay sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng AFP, PNP, Lokal na Pamahalaan ng Sampaloc at ng mga stakeholder.
Bunga raw ito ng mahusay na pagpapatupad ng batas pangkapayapaan at pakikipagtulungan upang ang mga dating rebelde ay sumuko at magbalik loob sa gobyerno at sumailalim sa progamang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.
March 14, 2023, ng idineklara ang Sampaloc, Quezon bilang 11th Insurgency Free Municipality.
Isang Memorandum of Agrement sa pagitan ng mga nabanggit ng ahensya ang nilagdaan bilang bahagi ng deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security (SIPS).
Pinasalamatan ni Sampaloc Municipal Mayor Noel Angelo Devanadera ang mga katuwang na ahensya at ang kanilang mamamayan sa pagkamit ng ligtas at communist free society na daan sa lalo pa umanong pag-unlad ng kanilang bayan.
Sabi ni Quezon Police Provincial Dir. Col. Ledon Monte, maigting raw ang ginagawang pagbabantay ng mga alagad ng batas sa Lalawigan ng Quezon upang hindi makapaghasik ng karahasan ang mga teroristang grupo.